Undas
Sa pagkadami-dami ng araw sa buong taon bakit kaya tuwing Ika-1 at Ika-2 ng Nobyembre lang dumadalaw ang mga Pilipino sa puntod ng kanilang mga yumaong kamag-anak. Ito ang kwento niyan, noong araw kasi may isang datu, isang matapang na datu o sabihin na nating nagtatapang-tapangang datu na nagngangalang Sadnu ang namuno sa giyera ng tribo ng Kopong-kopong at Chopong-chopong. Sa kasamaang palad, karamihan sa mga mandirigma ng nasabing datu ay nasawi at naging dahilan ang kanilang pagkatalo sa giyera. Kasali dun sa mga nasawi ang kanyang napakabait, napakasipag, at napaka-amo niyang asawa. Lumipas ang maraming taon at maraming ngipin na rin ang lumagas, Naisipan ng datu na dumalaw sa puntod ng kanyang minamahal na asawa. Dahil sa kadahilanang ang datu ay nagtatapang-tapangan lamang, hindi siya makapunta sa sementeryo ng mag-isa. Nahihiya naman siyang magpasama sa mga tauhan niya dahil baka isiping duwag nga siya. Kaya dahil matalino naman siya, naisipan niyang gumawa ng isang araw kung saan lahat ng mamamayan sa kanyang nasasakupang bayan ay magpupunta sa sementeryo upang dalawin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay. At dahil may ka-chat ang datu na taga ibang bansa, naisipan niyang isabay na rin ito sa halloween para mas okay. Kaya nakakapunta na ng datu ang kanyang mahal na mabait, masipag , at maamong asawa. :3